TINGNAN: Orangutan, nag-alok ng kamay sa lalaking nakalusong sa tubig na pugad ng mga ahas

8868
PHOTO by Anil Prabhakar via Instagram/@anil_t_prabhakar

Naantig ang maraming puso sa kamakailan lang na litrato ng orangutan na nag-abot ng kamay tila upang alukin ng tulong ang isang lalaking naglalakad sa tubig na mayroong mga ahas.

Kuha ito ng amateur photographer na si Anil Prabhakar noong naglibot sa Borneo Orangutan Survival Foundation (BOS) sa Indonesia, kasama ang mga kaibigan.

Kuwento ng photographer sa CNN, mayroong balita na may mga ahas sa lugar kaya lumusong ang lalaki, na bantay roon, para magtaboy.

INNITY ADS

Habang hirap ang bantay sa paglalakad sa maputik na tubig, lumapit na lamang daw ang malaking unggoy at iniabot ang kamay na animo’y sinasabing “May I help you?”

“I really wasn’t able to click. I never expected something like that. I just grabbed that moment. It was really emotional,” ani Prabhakar.




Gayunpaman, umiwas umano ang lalaki sa unggoy at umahon sa tubig.

“He said, ‘they’re completely wild, we don’t know how they’ll react,'” aniya.

Mga makamandag na ahas ang pinakamalaking kaaway ng mga orangutan sa Borneo.

Nanganganib rin ang mga unggoy na ito sa forest fire, pagkawala ng kanilang tirahan, at pangangaso.

Sa ngayon, mayroon nang lagpas 60,000 likes ang litratong ito na ibinahagi rin ni Prabhakar sa Instagram na may caption na:
“Let me help you?: Once Humanity dying in Mankind, sometime animals are guiding us back to our basics.”