Turkish artist, nag-ukit ng halos 12,000 butas sa isang itlog ng manok

251
Photo by Anadolu Agency

Nakapagtala ng bagong world record ang tanyag na egg carving artist na si Hamit Hayran ng Turkey matapos makapaglagay ng halos 12,000 butas sa isang pirasong itlog ng manok.

Una nang binasag ng 62-anyos ang record ng isang Pakistani artist noon na 7,500 butas, sa nagawa niyang 8,708.

Ngayon, nilagpasan naman ni Hayran ang sariling record matapos makagawa ng sumatotal na 11,827 butas sa isang itlog.

INNITY ADS

Inabot ang artist ng isang buong taon dito, kabilang ang oras na ginugol para mabuo sa balat ng itlog ang mga salitang “God” at “Prophet Muhammad” sa Arabic.

Photo courtesy: Anadolu Agency

Ibinahagi ng artist sa Anadolu Agency na una niya munang binakante ang itlog gamit ang syringe.




Noon pang 1990 ay nag-uukit na si Hayran sa mga eggshell na nakokolekta niya sa iba’t-ibang lugar.

Sinimulan niyang pagtuunan ng oras ang obra matapos siyang maaksidente sa trabaho noong 1988 na naging dahilan para hindi siya makalakad ng ilang taon.

Si Hayran ang kauna-unahang Turk na napabilang sa World Egg Carving Art Encyclopedia at miyembro rin siya ng World Egg Carving Art Foundation.