
Parte ng “new normal” sa harap ng COVID-19 pandemic ang paglabas ng mga bagong kasuotan na ginawa para magbigay ng dagdag na proteksyon.
Tulad na lang ng size 75 na sapatos na ginawa sa Romania para panatilihin ang social distancing na isang paraan upang maiwasan ang hawaan ng novel coronavirus.
Nasa likod ng disenyong ito si Grigore Lup na 39 taon nang gumagawa ng leather shoes para sa mga teatro o opera houses, ayon sa ulat ng Reuters.
Habang unti-unti nang lumuluwag ang lockdown, napansin daw ni Lup na maraming hindi sumusunod sa social distancing, dahilan kung bakit niya naisipang gawin ang sapatos.
“You can see it on the street, people are not respecting social distancing rules. I went to the market to buy seedlings for my garden. There weren’t many people there but they kept getting closer and closer,” saad niya.
Paliwanag niya, “If two people wearing these shoes were facing each other, there would be almost one-and-a-half metres between them.”
A Romanian cobbler invented size 75 shoes to ensure people kept social distancing https://t.co/9l37HkUeEJ pic.twitter.com/HVznObjWeL
— Reuters (@Reuters) June 2, 2020
Nabanggit niya rin na dati na siyang nagdisenyo ng mahabang sapatos para sa mga aktor sa teatro.
Sa ngayon, nasa lima na raw ang nagkainteres sa kanyang disenyo na nagkakahalaga ng 500 lei (halso P5,750).