
Sardinas, noodles, at iba pang karaniwang makakain ngayong quarantine period ang tampok sa miniature art ng isang Pinay.
Ibinida ng polymer clay artist na si Scher Padilla ang quarantine food, na hindi mawawala sa relief packs, sa mga bago niyang obra na agaw pansin sa social media.
Bukod sa napapanahon ang ideya, paraan din daw ito ng artist upang magpakalat ng good vibes sa gitna ng pandemic.
Nag-viral na rin noong nakaraang taon si Padilla nang gumawa siya ng mini version ng mga sikat na pagkaing Pinoy gaya ng silog meals, mga paboritong street food at fast food.
Maliban sa magandang dekorasyon sa mesa ang miniatures, gumagawa rin ang artist ng bag charms at ref magnet na food art.
Maaaring suportahan at bilhin ang mga obra ni Padilla sa kanyang Facebook at Instagram page na Chibi Cravings.