TINGNAN: Nurse, inilagay ang home quarantine pass sa picture frame

197

Ngayong umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang bahagi ng bansa, napakaimportante at iniingatan ng mga residente ang kani-kanilang quarantine pass.

Dahil naka-print lamang ito sa papel, samu’t-saring paraan ang ginagawa ng mga tao para hindi ito mapunit o mawala, gaya ng pagpapa-laminate o pagsisilid sa pitaka.

Pero ang isang nurse sa Capiz, may kakaiba at nakatutuwang diskarte upang hindi masira ang “pinakamamahal” na quarantine pass.

Sa isang Facebook post, flinex ni Chris Cordero ang kaniyang quarantine pass na nakalagay sa malaking photo frame.

Ayon sa uploader, ibinahagi niya ang kuhang litrato sa social media para pangitiin ang mga kaibigan at followers na nalulumbay dahil sa pinagdadaaang pagsubok.




Umani naman ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang ginawang isitlo ni Cordero.

“Ako, itatago ko rin at ipapakita ko sa magiging apo ko balang araw, ikukuwento ko sa kanya na iyan ay isang alaala na dumaan sa isang matinding pagsubok ang buong mundo at ito ay dahil sa COVID–19,”

“It will be part of our history so we must keep it. Kapitbahay ko nga, pina–tattoo pa niya eh, hahaha.”

Para raw mapaigting ang enhanced community quarantine at ma-kontrol ang paglabas ng mga tao sa bahay nila, namimigay ng quarantine pass ang mga kawani ng barangay.

Nakasaad din sa pass na ang maari lamang lumabas ay ang mga bibili ng pagkain o gamot.

(COURTESY CHRIS CORDERO)