TINGNAN: Mga larawan ng squirrel na ninanamnam ang amoy ng bulaklak

    1244
    Dick van Duijn/SWNS.com

    Nakuhanan ng isang photographer sa Vienna, Austria ang isang squirrel na tumitigil muna para amuyin ang bulaklak bago ito tikman.

    Dalawang oras at nasa 200 na litrato ang inabot ni Dick van Duijin, 34, mula sa Netherlands, para makuhanan ang sandali.

    Sa mga larawan, makikitang inaabot ng squirrel ang isang yellow daisy, inilapit sa mukha nito, at saka ipinikit ang mga mata na tila ninanamnam maigi ang amoy ng bulaklak.

    INNITY ADS
    Photos by: Dick van Duijn/SWNS.com

    “This curious ground squirrel started smelling and tasting the flower,” pag-alala ng photographer. “I was really happy after capturing a photo like this.”

    “I went to Austria especially to photograph the ground squirrels,” he added. β€œIt was great to witness this and very satisfying,” ani van Duijin.