TINGNAN: Comet Neowise, nasilayan sa kalangitan ng Binangonan, Rizal

    90

    Sapul sa telephoto lens ng isang photographer ang namataan niyang Comet Neowise sa kalangitan ng Barangay Darangan, Binangonan, Rizal nitong madaling araw ng Miyerkoles, Hulyo 8.

    Kuwento ni John Rovic Baylon, natagpuan at nahanap niya ang lokasyon ng kometa sa tulong ng star tracker na isang uri ng mobile app.

    Nabatid ng astronomer na si Edmund Rosales na nadiskubre ang Comet Neowise nito lamang Marso 27 at pinangalanang C/2020 F3.

    Ayon naman sa isang pag-aaral, ang buntot ng kometa ay ang nalalagas na pinong yelo at mga malilit na bato na kadalasang tinatamaan ng sikat ng araw.

    Para sa mga nais makakita ng Comet Neowise, maari itong abangan simula alas-4 hanggang alas-5 ng umaga.




    Ang nakabibighaning tanawin, ibinahagi ni Baylon sa Facebook na umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa maraming netizen.

    LOOK: Comet NEOWISE captured by John Rovic Baylon as seen in Binangonan, Rizal today. Captured exactly at 4:40 am July 8, 2020.Camera: Nikon D5300Lens: Nikkor 55-200mm

    Posted by Rovic Baylon Photography on Tuesday, July 7, 2020

     

    (PHOTO COURTESY JOHN ROVIC BAYLON)