#SupportLocal: Bamboo face shields, gawa ng mga magsasaka ng Cotabato

345

Inilunsad ng mga magsasaka mula Cotabato ang mga face shield na gawa sa maninipis na kawayan.

Maliban sa matibay na, maraming trabahador ang natutulungan ng naturang produksyon.

Sa Facebook, sinabi ni dating agriculture secretary Emmanuel Piñol na dinisenyo ni Engineer Junroe Barrios na tubong M’lang at ilang kasapi ng Central Mindanao Green Workers Association ang bamboo face shields.

INNITY ADS

“Since the group is just starting the enterprise, they have divided the phases of the work, from the stripping of the bamboo slats, to the curing, attaching of the plastic shield, disinfecting and packaging,” pahayag ni Piñol.

“They all work from their homes and they need support to establish a formal and orderly manufacturing area complete with working tables, stripping equipment and sanitary equipment,” dagdag pa ng opisyal.




Dahil ang grupo ay nag-uumpisa pa lamang sa negosyo, hinati nila ang trabaho sa pagbuo ng bamboo slots, pagkabit ng plastic shields, disinfecting, at packaging.

Sa tulong naman ng “Bambuhay,” naibebenta nila ang mga kamangha-manghang produkto sa halagang P150.

Hinimok naman ni Piñol ang publiko na tangkilikin ang pangkat ng mga nasabing mambubukid bilang suporta na rin sa kanilang hanapbuhay ngayon.

“Patronize local products because by doing so we will be utilizing local raw materials providing income to the local farmers. … And since the products will be processed locally, there will be jobs available,” aniya.

Para sa mga gustong bumili ng bamboo face shields, maaring makipag-ugnayan kay Nonoy Jayme sa mga numerong 0965-887-3930 at 0951-413-1970.

Puwede rin umorder sa website ng bambuhay.com o kaya sa kanilang official Facebook page.