
Nataong isinilang ang isang sanggol na babae sa Kentucky, USA nitong Pebrero 2, 2020 na bibihirang palindrome day, o petsa na pag binasa pasulong at pabalik ay pareho lang.
Isa ang anak ni Laken Masters sa unang mga palindrome baby sa buong mundo makalipas ang 909 taon o mula pa noong Nobyembre 11, 111.
Bukod sa natapat sa espesyal na araw, sumakto ring lumabas si baby Charlee nang 8:02 p.m o kung sa military time ay 20:02 na isa ring palindrome.
INNITY ADS
Ayon pa kay Masters, sa ulat ng WKYT-TV, halos 20 minuto rin siyang nag-labor.
“It makes me think she will be a very unique individual. You’re definitely going to be different aren’t ya?” saad ng nanay.
Magkakaroon muli ng palindrome day sa susunod na 101 years, Disyembre 12, 2121.