
Bagong taon, bagong kuwento, bagong mukha ng radyo drama.
Sa mahigit tatlong dekadang paghahatid ng iba’t-ibang kuwento sa radyo, ngayong 2020, handog ng RMN Drama ang mga istoryang mas kapana-panabik sa paraang “Dramiks”.
Pinagsamang drama at komiks ang bagong aantabayanan at kapupulutan ng saya, kirot, takot, at kilig ng mga ka-Radyo sa YouTube.
INNITY ADS
Mapapanood ang mga bagong drama sa tatlong diyalekto: Tagalog, Cebuano, at Hiligaynon.
Bumisita lamang sa YouTube channel ng RMN Drama, i-Like at mag-Subscribe upang matunghayan ang kuwento ng buhay ni Melay, David, Lawrence, at ng mga susunod pa.
Tunghayan ang ilan dito:
“Melay” (Tagalog)
“David” (Cebuano)
“Lawrence” (Hiligaynon)