Record-breaking: Lalaki, nakaipon ng higit 1,500 kahon ng pizza

425
Scott Wiener with his collection. Photo via New York Post

Halos maubusan na raw ng espasyo sa apartment ang isang lalaki sa New Jersey, USA, na nakaipon na ng higit isang libong kahon ng pizza.

Hawak ni Scott Wiener ang Guinness World Record sa koleksyon niyang 595 pizza boxes na ngayon ay umakyat na sa 1,525, karamihan dito ay hindi pa nagagamit.

Mayroong kahon mula Antarctica hanggang Italy ang pizza afficionado na nagpapatakbo rin ng Scott’s Pizza Tours.

INNITY ADS

Nakasalansan ang kanyang koleksyon sa kanyang opisina, kasama ang mga pizza-themed ding baseball hat; sa dining floor; o kaya naman sa kanyang damitan.

Nagsimula ang pangongolekta ni Wiener noong 2008 kung kailan nagtungo siya sa Israel at natuwa sa makulay na kahon ng pizza na nabili niya.




“I can collect them myself, or people can mail them to me. All the pizza box companies know me because I’m literally the only civilian that collects them,” aniya sa The New York Post.

Mahilig din siya sa mga kahong may napapanahong disenyo tulad ng mga sikat na personalidad, artista at iba pa.

“This collection shifts the way we see pizza boxes … not just as something disposable, but something with cultural value,” saad ni Wiener na naglimbag ng “Viva la Pizza: The Art of the Pizza Box” noong 2013.

“Shift the context of a pizza box and it goes from being trash to being art.”

Photo via The New York Post