‘Rapunzel’ ng India, nananatiling may pinakamahabang buhok sa mundo

390
Nilanshi Patel. PHOTO: AFP/Sam Panthaky

Hawak pa rin ng 17-anyos dalagita sa India ang korona ng may pinakamahabang buhok sa mundo matapos ang isang dekadang hindi pagpapagupit.

Nalagpasan ni Nilanshi Patel mula sa bayan ng Modasa, sa Gujarat, ang sarili niyang rekord na 170.5 centimeters (5.59 feet) na nakuha noong Disyembre 2018, sa bagong haba na 190 centimeters, ayon sa Guinness World Records.

Ikinatuwa ng kanyang ama na isa nang international celebrity ang anak na aspiring engineer, mula sa pagiging sikat lang noon sa kanilang bayan dahil sa kanyang buhok.

INNITY ADS

Tinatawag si Patel ng kanyang mga kaibigan at kamag-aral na “Rapunzel” dahil sa napakahabang buhok ng prinsesa sa Brothers Grimm fairytale.

Sinabi ni Patel na 11 taon na siyang hindi bumibisita muli sa parlor dahil sa hindi magandang karanasan.




“At six, I had a very bad experience at a local salon. Since then I have been apprehensive about cutting my hair. My parents accepted my wishes and now my locks have become my lucky charm,” saad niya sa Agence France-Presse.

Kinakailangan magsuot ni Patel ng sapatos na mataas ang takong kung ayaw niyang sumayad sa sahig ang kanyang buhok.

Wala rin naman daw kaibahan ang pag-aalaga niya sa buhok tulad ng ginagawa ng mga kapwa niya dalagita, pero may tulong ng kanyang ina.

“I do what every teenager does. Wash the hair every week and oil it once or twice a week,” aniya at nagbibilad naman daw siya sa arawan o gumagamit ng hairdryer sa pagpapatuyo nito.

Tinitirintas niya naman ang buhok tuwing naglalaro o kaya naman nakapusod sa ilang okasyon.

Ang tanging mahirap lang daw, ay tuwing lumalangoy.