Para sa world record: Lalaki, uminom ng 1 litrong lemon juice nang 17 segundo

333
David Rush/YouTube

Nakamit ng isang lalaki sa Idaho, US ang matamis na tagumpay matapos umubos ng isang litrong lemon juice gamit ang straw sa loob lang ng 17 segundo.

Nasimot ni David Rush ang bote ng 100 percent lemon juice sa saktong 16.53 segundo.

Dahil dito, naungusan niya ang record na 17.12 segundo na naitala ni Andre Ortolf.

INNITY ADS

Ayon kay Rush, nagawa niyang pigilan ang pagsusuka matapos inumin ang juice, ngunit nanakit ang kanyang tiyan sa loob ng ilang araw.

Higit 100 Guinness World Records na ang binasag ni Rush sa kagustuhang itaguyod ang STEM (science, technology, engineering and mathematics) education.