PANOORIN: Paa ng manok, ginagawang sapatos

1908
A worker prepares the upper part of a Hirka shoe, which is made using skin from chicken feet, at its workshop in Bandung, West Java province, Indonesia, February 28, 2020. Photo: Reuters

Hindi lamang pang-ulam o street food ang paa ng manok, puwede rin itong gawing sapatos.

Batay sa ulat ng Reuters, ideya ito mismo ng negosyanteng si Nurman Farieka Ramdhany mula sa Bandung, Indonesia.

Dahil sa paghahanap niya ng mura pero matibay na materyales, inirekomenda ng kaniyang tatay ang paa ng manok.

INNITY ADS

Ayon sa tatay ni Ramdhany, maihahatulad ang pattern at texture ng balat ng chicken feet sa balat ng ahas at buwaya.

Sinimulan ng mag-ama ang paggamit sa nasabing parte noong 2017. Ang mga nabuong sapatos, naibebenta nila sa halagang $35 hanggang $140.




Kuwento ng 25-anyos na entrepreneur, umaabot sa 45 piraso ng paa ng manok ang kailangan para makagawa ng isang pares ng sapatos.

Nakukuha raw nila ang mga chicken feet sa restawran at palengke na kadalasang itinatapon lamang.

Kapag nabalatan na raw, ibababad nila ito sa tina ng ilang oras at saka tatahiin.

“The waste is a lot, that is why we try to process it to get more value from it. They say our products are comfortable to wear. So far the market response has been positive,” ani Ramdhany.

(IMAGE FROM REUTERS)