PANOORIN: Mga pulis sa New York, sinorpresa ang batang nagdiwang ng kaarawan sa gitna ng lockdown

1220
(Screenshot from NYPD 49th Precinct Twitter video)

BRONX, New York – Ipinagdiwang nang may ngiti ng isang 9-anyos na lalaki ang kanyang kaarawan matapos itong sorpresahin ng ilang pulis ng isang birthday cake sabay kanta ng “Happy birthday” song.

Sa Twitter post ng NYPD 49th Precinct, ibinahagi nito ang isang video kung saan mapapanood ang apat na police officers na kinakantahan ang naturang bata habang may bitbit na cake.

Saad sa post, “When we heard this young 9yr old child was a bit discouraged he couldn’t celebrate his birthday outside, we wanted to make sure his day was a memorable one by stopping by with birthday cake.”

INNITY ADS

Ang naturang video ay nakapagbigay umano ng tuwa sa marami ayon kay Bronx State Sen. Alessandra Biaggi.

Banggit niya, “Thank you @NYPD49Pct for going above and beyond to support our community through this difficult time.”




Samantala, ang naturang departamento ay isa sa mga ahensyang pinaka-tinamaan ng COVID-19 sa New York sa gitna ng krisis.

Sa ulat noong Lunes, 4,435 miyembro ng NYPD ang nagpositibo mula sa virus at 31 na dito ang nasawi.