PANOORIN: Gabby Concepcion, ipinasilip ang farmhouse sa Batangas habang umiiral ang quarantine

21366

Sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine, ipinasilip ng aktor na si Gabby Concepcion ang kanyang farm sa Batangas.

Ibinahagi ni Gabby sa kanyang YouTube channel ang video habang tinu-tour niya ang farmhouse sa Amang Lobo Homestead kung saan siya namamalagi sa gitna ng pandemic.

Mapapanood sa video ang aktor habang pinapakita isa-isa ang mga tanim, puno, at iba’t ibang uri ng kanyang alagang hayop.

INNITY ADS

Una na niyang sinabi na mayroon silang 20 buwig ng saging sa kabila ng maliit na farm.

Matutunghayan din ang iba’t ibang klase ng gulay gaya ng talong, oregano, kalabasa at puso ng saging.




Makikita rin ang mga hayop gaya ng manok, kambing na inilarawan pa niyang “malalambing”, at ang kanyang alagang aso na sinasabi niyang “police dog”.

Kasa-kasama niya sa video ang mag-asawang Noeimi at Ricky na aniya’y mga tagapag-alaga ng kanilang hardin.