PANOORIN: Dumi ng leon, binibili sa isang circus sa Germany

202
(Screenshot from Reuters Twitter video)

Isang circus mula Munich, Germany ang dinarayo ng mga tao para bumili ng dumi ng mga leon.

Ayon sa Reuters, nagkakahalaga ng $6 o halos P300 ang bawat maliliit na garapon ng dumi ng mga alagang leon sa Circus Krone’s zoo.

Sabi ng trainer ng 26 leon at tigre na si Martin Lacey, nagsimula ang kanyang negosyo nang may mga customer silang lumalapit para magtanong kung mayroon silang tinitindang dumi ng nasabing hayop.

Nagagamit daw kasi ito bilang pantaboy sa mga peste.

“I am told it keeps cats away from the garden and since then we have learned that it keeps the animals away from the car where they eat all the electric cables,” saad ni Lacey.




Labis daw ang saya ng local garage na bumili ng dumi mula sa kanila.

Ibinahagi rin ng trainer na umabot na sa 2,000 dumi ang kanila nang naibenta.

“And I always say: if you’ve got bad neighbors put some in the garden and the neighbors will also stay away,” biro naman ni Lacey.

Ipinakita rin nila ang kanilang bagong ‘turd pop-up shop’ para sa mga naghahanap ng dumi ng leon.

Ang iba raw sa kikitain ay mapupunta sa charity na layong mapabuti ang lagay ng ilang captive animals sa nasabing bansa.