Mga sundalo at pulis na galing sa magdamagang duty, natulog sa karton, upuan ng waiting shed

5876

Kumurot sa puso ng mga netizen ang litrato ng ilang sundalo at pulis na nagpapahinga sa isang waiting shed sa Barangay Magallanes, Makati City matapos ang magdamagang duty sa mga checkpoint dahil sa ipinatupad ng enhanced community quarantine.

Kuwento ni Arjhun Catada, nagjo-jogging siya nang mapansin ang mga kawaning tila pagod na pagod at natutulog sa kalsada habang nakahiga sa karton.

Sobrang naawa raw ang uploader sa sitwasyon ng mga frontliner kaya naman may munting pakiusap siya sa publiko.

INNITY ADS

“Guys, tama na pag bbash sa mga frontliners natin, sumunod na lang tayo. Wag na magyabanagan kung sino tama at mali.”

Isipin na lang daw ng mga kritiko kung kapatid o tatay nila ang nakitang natutulog sa lansangan bunsod ng tuloy-tuloy na pagseserbisyo para labanan ang COVID-19.




Saklaw ng enhanced community quarantine ang panandaliang pagpapahinto sa mga transportasyon, at kanseladong pasok ng mga paaralan at opisina maliban sa mga parte ng skeletal work force at mga frontliner katulad ng nurse, doktor, sundalo, at pulis.

Umani ng mahigit 59,000 likes at 47,000 shares sa social media ang kuwentong ibinahagi ni Catada.

(PHOTO COURTESY OF ARJHUN CATADA)