Mga baboy-ramo sa Israel, naglilibot sa kalsada sa gitna ng lockdown

    840
    Photos from AFP

    HAIFA, ISRAEL – Tila hindi lamang mga pulis at sundalo ang rumuronda sa naturang siyudad, pati na rin mga baboy-ramo.

    Sa video, aakalaing nilulubos ng mga hayop ang paglilibot habang wala pang lumalabas na tao bunsod ng ipinatupad na lockdown para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

    Agaw-pansin din ang paghahalungkat nila ng basura at pagkain nila ng mga halaman sa labas ng bawat tahanan.

    INNITY ADS

    Batay sa report ng Reuters, dati na raw may naliligaw na baboy-ramo sa lugar subalit nangangamba ngayon ang publiko dahil dumarami ang mga ito.

    Bagaman kilala ang mga hayop na “nocturnal”, nakikita na rin sila ng mga tao na gumagala sa kalsada tuwing may araw.




    “We are scared to go out, even to throw out the garbage. I don’t which way the boars will come. They come here and turn over our garbage dumpsters. This is lack of protection. We actually feel defenseless,” tugon ng music instructor na si Meirav Litani.

    Nababahala rin ang taumbayan na baka magdulot ng sakit ang mga baboy-ramo.

    “I’m scared that after the coronavirus passes, the boars will have gotten used to coming every day, every night, every hour,” saad ni Yaron Hanan, na naglunsad ng panawagan para sa paghuli ng mga wildlife animal.