Mga alagang manok, ibinarter para sa cellphone na gagamitin sa online class

786

Naisip ng isang tatay mula sa Naga City, Camarines Sur na i-barter ang mga alaga niyang manok kapalit ng cellphone na magagamit ng kaniyang anak para sa online classes.

Ito’y sa gitna ng nalalapit na pagbubukas ng klase, kung saan distance learning muna ang gagamitin habang wala pang bakuna o lunas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) at upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Kuwento ng 46-anyos na si Rommel Enriquez, simula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso ay humina ang kita nila ng kaniyang misis,

INNITY ADS

Suma-sideline siya bilang caretaker ng mga kuneho habang nagtitnda naman ng prutas ang maybahay niya.

Inamin ni Rommel na problemado sila mag-asawa sa pang-araw araw na gastusin at sa kalakaran ng “new normal” na edukasyon.




Dahil dito, minabuti ng ulirang ama na ipost sa Facebook group na Naga City Camarines Sur – Barter Community ang tatlo niyang manok sa pagbabakasakaling makakuha man lang ng second hand na smartphone. 

Maraming netizen ang naantig sa paraan ni Rommel para maibigay ang pangangailangan ng anak sa darating na pasukan kaya naman nag-alok ang mga ito ng tulong nang walang hinihinging kapalit.

Todo-pasasalamat naman ang padre de pamilya sa mga nagpaabot ng biyaya katulad ng cellphone, laptop, at pagkain.

“Hinding hindi po namin makakalimutan ito. Makakaasa po kayo na hindi namin sasayangin ang oportunidad/tulong na ipinagkaloob niyo. Thank you admin and members, GOD BLESS TO ALL,” emosyonal na mensahe ni Rommel.