
Dahil sa balut na nakaligtaang lutuin, isang ginang ang nagkaroon ng unexpected pet sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic.
Kuwento ng netizen na si Alex Lapa sa Twitter, bumili ng balut ang kanyang tita sa suki nito na noong una ay ayaw pang ibenta dahil malapit nang mag-mature ang itlog.
Pagkauwi, naging abala ang tita sa paglilinis ng bahay– kaya ang balut, nakalimutan nang kutuin hanggang tuluyang napisa.
Pinangalanan nilang “Cobibe” ang sisiw na itinuturing ng netizen na “bright spot” sa kanyang #pandemicdiaries.
Isang Twitter user ang nag-comment sa thread na nagsabing tumatatak raw sa mga bagong pisang sisiw ang bagay na una nilang nakikita– na pinatotohanan naman ni Alex.
Newly hatched ducklings imprint on the first thing they see. You now have a new cousin…. 😊
— peachy natividad (@peachynatividad) April 7, 2020
Kinuwento ni Alex sa isang update na matindi ang iyak ng alaga kapag hindi nakikita ang kanyang tita.
“Sabi ko kay tita, bilang nanay ni Cobibe, kailangan niyang ipakita paano kumain ng insekto,” biro niya sa isang tweet.
Another update: walang mahanap na feeds so Cobibe is living on lettuce and dried shrimps. pic.twitter.com/6kZCvGkyNx
— Savage Fairy of the South (@AlexVLapa) April 7, 2020
Kinaaliwan ng maraming netizens ang storya ni Cobibe, at may ilan pang nagbahagi ng kanila ring kuwentong “balut na hindi agad naluto.”
— Shan Moore (@gmmurgirl) April 7, 2020
Ganito din nanyari sa balot na nabili ko.nkalimutan kong iluto ayon nagingsisiw pic.twitter.com/bjgM5uCVQc
— Thomas (@crus_thomas) April 7, 2020
Matagal-tagal pang magsasama sa bahay si Cobibe at ang tita ni Alex, pero sa oras na lumuwag na ang enhanced community quarantine, iuuwi raw ng ginang ang alaga sa bukid sa Mindoro para pararamihin.
Cobibe will be going to Mindoro where our lola has a farm once the restrictions are lifted tho. Pararamihin daw ni tita by the time I go home. ❤️🦆❤️
— Savage Fairy of the South (@AlexVLapa) April 7, 2020