Mayor Kit, nagbenta ng sapatos, pandagdag-pondo sa pamilya ‘di kasama sa SAP

884

Para makalikom ng dagdag-pondo sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic, nagdesisyon si Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto na ibenta ang ilan niyang personal na gamit.

Sa Facebook post nitong Martes, sinabi ng alkalde na 37,000 lamang sa 320,000 na residente ng siyudad ang nabigyan ng financial assistance mula sa nasyonal na pamahalaan.

Ayon kay Nieto, hindi raw sapat ang pondo ng lokal na gobyerno para matustusan ang cash subsidy ng mga pamilyang hindi sakop ng social amelioration program.

INNITY ADS

“Naisip kong mag-auction ng ilang gamit ko tas ‘yung proceeds bigay ko sa mga hindi na cover.. makatulong kahit paano..Start ko sa 3 kong rubber shoes,” saad ng opisyal.

Narito ang mga brand at halaga ng mga sapatos na sinubasta:




  • Jordan 11 breds – P13,000.00
  • Jordan 1 Travis Scott low (regalo ng kaibigan niyang si Dan Gutierrez) – P30,000.00
  • Air Force 1 customized Spiderman (bigay ng pamangking si Matt Nieto) – P10,000.00

“Ganito ang auction procedure natin. Lagay niyo yung bid sa picture ng sapatos na gusto niyong bilin. Lahat ng comments dun sa litrato na yun na hindi relevant sa pagbili, delete ko para madali natin makita ano ang current bid price. Salamat,” pahayag ng alkalde.

Sa hiwalay na post, inihayag ni Nieto na patuloy silang tumatanggap ng tulong at donasyon mula sa pribadong sektor na kanilang ipapamahagi sa komunidad.

(PHOTOS COURTESY OF CAINTA MAYOR KIT NIETO)