‘Mahiwagang balde’ na puno ng relief goods, ipinamimigay ng isang brgy sa Maynila

6642
Courtesy Chairman Anne Christine Abella

Literal na napa-sana all ang mga netizen sa “mahiwagang” balde na linggu-linggong natatanggap ng mga residente ng Brgy. 362, Zone 36, sa Sta. Cruz, Maynila.

Bawat timba kasi ay naglalaman ng 10 kilong bigas, tinapay, itlog, mga delatang pagkain, sariwang isda, karne, gatas, noodles, spaghetti sauce, biskwit, face mask, at maging pagkain ng aso.

Bukod pa rito, araw-araw din namimigay ng meryenda o agahan ang mga opisyales ng lugar.

INNITY ADS

Ang nakamamanghang ideya, galing mismo sa punong barangay na si Anne Christine Abella.

Kuwento ng 33-anyos na kapitan, ginagawa nila ito para masiguradong hindi na lalabas ng kani-kanilang bahay ang mga tao at maging ligtas ang komunidad sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).




“I also want our people to receive the kind of aid that they would be happy to receive. I like to put myself in their position and I often ask myself, ‘If I will be the one who will be receiving the aid, what do I want to receive? What will I feel if I receive this kind of package?’ It may not be very lavish but at least it’s enough to convince them that they don’t need to go out during the lockdown,” pahayag ni Abella.

Bago pa raw ipatupad ang enhanced community quarantine, namamahagi na ang barangay ng vitamins, face shields, gloves, at bleach.

Labis naman ang pasasalamat ni Abella sa lahat ng umagapay sa kaniya upang maging posible at consistent ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“Minsan niyo lang ako sasandalan di ko sasayangin ang pagmamahal at tiwala niyo po sakin. Iisang pamilya tayo dito,” saad ng lider.