LOOK: Moon corona, nasilayan sa kalangitan ng Mendez, Cavite

140

Isang kamangha-manghang tanawin ang nasilayan sa kalangitan ng Brgy. Asis II sa bayan ng Mendez, Cavite bago sumapit ang hatinggabi ng Agosto 6.

Ibinahagi ng litratistang si John Carlo Avelida ang mga larawan ng maliwanag at makukulay na ulap sa Facebook, kung saan umani ng papuri mula sa maraming netizen.

Sa isang ulat, sinabi ni Prof. Edmund Rosales ng Philippine Astronomical Society, na lunar o moon corona ang tawag sa naturang phenomena. Madalas aniya itong nagaganap kapag may nakikitang maninipis na layer ng altostratus clouds na may taglay na water droplets.

Tuwing nagkakaroon ng diffraction o pag-bend ng ilaw ay nabubuo ang samu’t-saring wavelength at kulay sa paligid ng ulap.

Bagama’t bihirang mangyari, lumalabas daw ito pagkatapos ng matinding pag-ulan lalo na kung may maiwan pang droplets sa atmosphere.




August 5, 2020Ilang minuto bago paman sumapit ang alas dose ng hating gabi. Nagpakita ang Lunar Corona Rainbow 🌕🌈 dito sa Mendez Nuñez Cavite ❤

Posted by John Carlo Bagas Avelida on Wednesday, August 5, 2020

(PHOTO COURTESY: JOHN CARLOS BAGAS AVELIDA)