LOOK: Bride at groom, idinaos ang kasal sa Jollibee

317

Sa halip na engrandeng venue, pinili ng newlywed couple sa Olongapo City na idaos ang kanilang pag-iisang dibdib sa Jollibee.

Viral ngayon sa social media ang litrato ng kakaibang kasal ng mag-asawang si Janine Veronica Minas at Marious Pabalinas kung saan makikitang dumalo sa seremonyas sina Jollibee at Hetty Spaghetti.

Kuwento ng dalawa, gusto nila maging praktikal at siguradong masarap ang pagkain sa paboritong fastfood chain ng karamihan.

INNITY ADS

Nung una, hindi daw naniniwala ang mga bisita na gaganapin sa Jollibee ang ‘di malilimutang yugto ng buhay nila.

“Kala nila nagjo-joke lang kami until we sent our invitations out and they saw the venue. Haha. Everyone kept asking “Bakit sa Jollibee?”, “Seryoso? Di nga?” Haha,” pahayag ni Janine.




Pinatunayan ng fast food chain ang pambatong linya na “bida ang saya” dahil aminadong nag-enjoy ang bride at groom sa paghawak ng staff sa kanilang one-of-a-kind event.

 

“From the ceremony to the reception, their staff especially our host Ms. Camille Tabinga, who by the way is great, really did their best to make our wedding memorable.”

Pinusuan online ng kakaibang konsepto ng mag-asawang Janine at Marious at meron nang mahigit 20,000 reactions sa social media ang naturang post.

(IMAGES COURTESY OF JANINE VERONICA MINAS)