Lola na gumaling sa COVID-19, pinalakpakan ng health workers bago i-discharge sa ospital

1184

LAGUNA – Nakaaantig ang tagpo sa isang pagamutan sa Biñan City matapos palakpakan ng mga health worker ang isang 59-anyos na babae na naka-recover sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa video na ibinahagi ni Jade Canoy Dingson, makikitang kumakaway at nagpapaalam ang pasyente sa medical staff ng Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center na umagapay sa kaniya bago ma-discharge sa naturang ospital.

Siya raw ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan at gumaling raw ito sa sakit ilang araw makalipas ang kaniyang kaarawan.

INNITY ADS

Pinayagan nang makauwi ang matandang babae matapos mag-negatibo ang dalawang COVID-19 test niya.

Sa huling datos ng Department of Health, umakyat na sa 2,084 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa, 88 naman ang nasawi habang 49 ang gumaling.




Ayon sa mga dalubhasa, karamihan sa mga pinupuntirya ng sakit ay mga senior citizen o may pre-existing condition.

Pinusuan online ang emosyonal na kuha at mayroon nang mahigit 200,000 views.