Lola, kinansel ang 75th birthday party para maghandog ng tulong sa biktima ng Taal eruption

985
(Sherwin Mulingtapang Facebook)

Umani ng papuri sa social media ang isang ginang na magdiriwang sana ng kanyang ika-75 kaarawan ngunit piniling tulungan ang biktima ng pagsabog ng bulkang Taal, sa San Jose Batangas.

Sa Facebook post ni Sherwin Mulingtapang, makikita ang mga larawan ng relief goods gaya ng ilang supot ng bigas, kahun-kahong mga delata, tubig inumin, at ilang kahon ng pagkain ang inihahanda ng pamilya para gawing donasyon.

Aniya sa kanyang caption,

INNITY ADS

“FLEX KO LANG NANAY KO.. 💪🏻💪🏻💪🏻 75th BIRTHDAY NYA SA JANUARY 24..
✅CATERER
✅EVENTS PLACE
✅LIGHTS AND SOUNDS
✅MOBILE BAR AND LIVE BAND
✅PHOTO COVERAGE
✅GOWN DESIGNER AND MAKE UP ARTIST”

Lahat daw ng ito ay kinansela ng ginang dahil nais na lamang daw niya mamigay ng relief goods at mga sako ng bigas.




Ibinahagi rin ni Sherwin ang galak sa ginawa ng ina at kung gaanon siya ka-proud dito.

“PACENCIA N PO PERO PROUD LANG PO TALAGA KAMI SA NANAY NAMIN.. KAHAPON NAIIYAK AKO TUWING MAKAKAKITA AKO NG MGA ACTS OF KINDNESS SA SOCIAL MEDIA KC NAAANTIG AKO SA MGA PAGTUTULUNGAN NG MGA TAO..,” saad niya.

“NAKAKATUWA LANG NA MAY CHANCE DIN KAMI PARA ISHARE ANG BLESSINGS SA IBANG TAONG NANGANGAILANGAN.. ❤️❤️❤️,” dagdag niya.

Matapos ang nangyari dahil sa pagputok ng bulkang Taal, libu-libong residente mula Batangas ang ipinalikas dahil sa nagbabadyang kalamidad.

Samantala, umani ng papuri ang ginang at tumanggap ng libu-libong reaksyon at komento.

“Happy birthday nanay. Kasama mo kaming mga batangueño sa inyong kaarawan. Salamat po ng madami. At sa iyong pamilya na suportado ka sa iyong hiling. Kasama sa panalangin namin ng mahabang buhay at madami pang pagpapala,” sabi ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Happy Birthday poh,Salamat poh sa buhay mo Nanay.I Bless ka poh ni LORD ng siksik at nag uumapaw.Saludo kame sau Nanay.God bless you More poh😇😇😇.”

Kasalukuyan namang nasa 44K likes at 10K shares na ang naturang post online.