Lisensyadong chemist, may alok na libreng homemade alcohol

7765
Facebook/Meg Reyes-Sy

Sa gitna ng COVID-19 outbreak, maraming tao ang hindi magkandaugaga sa pamimili ng proteksyon kontra-coronavirus, tulad na lamang ng alcohol.

Dagdag pa rito ang mga mapanlamang na “hoarder” — kaya naman isang Pinay chemist ang nagmagandang loob na tumulong.

Libreng homemade alcohol ang naisipang ipamahagi ng BS Chemistry graduate at board passer na si Meg Reyes-Sy mula Quezon City.

INNITY ADS

Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang mamimigay siya ng 250mL ng 70% ethyl alcohol sa 100 kataong talagang nangangailangan.

Prayoridad niya ang mga mayroong kasamang matatanda sa bahay o ‘yung mga mahihina ang resistensya.




Kailangan lang magpadala ng litrato ng kaanak na nangangailangan bilang patunay.

Inaanyayahan niya rin ang mga gustong humingi na magdala ng lumang bote ng alcohol na paglalagyan dahil aniya, “Let’s reuse them because I am also an advocate of less waste.”

Para kay Sy, isa itong “random act of kindness” at hindi raw pagpapasikat ang kanyang intensyon.

“We are living in a time where fear leads us to be selfish – where humanity is almost non-existent,” saad niya sa post.

Isa lamang daw ang gusto niyang kapalit nito: “I want you to pay this forward to any person who would need your help in any way. May it be an old lady crossing the street or a mom holding a lot of groceries.”

“JUST DO ONE ACT OF RANDOM KINDNESS. I don’t need proof! I want you to do it from the heart!”