Libreng sapatos, regalo ng St. Luke’s sa ER doctors, staff

308

Bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo, binigyan ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center ang mga Emergency Room doctor, nurse, at staff ng libreng sapatos.

Ayon sa SLMC, naging posible ang proyekto dahil sa partnership nila ng ASICS Philippines.

Nitong Huwebes, natanggap ng mga healthcare worker sa Global City ang regalo ng ospital.

INNITY ADS

Makukuha naman ng mga naka-assign sa Quezon City branch ang kanilang sapatos sa Mayo 14.

“This is a simple gesture of thanks to our healthcare workers for their tireless efforts and commitment as we walk with them in this journey towards healing and recovery, reminding them that they are not alone in the fight against COVID-19,” pahayag ng SLMC sa isang social media post.

Kahapon, Mayo 7, ipinagdiwang sa iba’t-ibang panig ng mundo ang National Health Worker’s Day.




“To all healthcare workers who continue to live by their oath with love and commitment for all their patients, may you always be proud of the work that you do.”

“Your selfless dedication and sacrifices are priceless during these difficult times and for these, we are grateful.”