Libong magkapares, dumalo sa mass wedding sa South Korea sa kabila ng takot sa nCoV

359
A couple wearing protective face masks attend a mass wedding ceremony by the Unification Church at Cheongshim Peace World Center in Gapyeong on February 7, 2020. (Photo by Jung Yeon-je / AFP)

Kahit maraming pista, seremonya, at maging K-pop concert na ang nakansela kaugnay ng pagkalat ng coronavirus, tuloy na tuloy ang mass wedding ng Unification Church sa South Korea.

Halos 30,000 katao mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang nagtipon-tipon sa Cheong Shim Peace World Centre sa Gapyeong, Seoul, noong Biyernes, ayon sa simbahan.

About 30,000 people from around the world gathered at the Cheong Shim Peace World Centre on February 7, 2020. (Photo: Reuters)

Anim na libong bagong magkasintahan ang nag-isang dibdib, habang ang iba ay muling nagpakasal sa harap ng marami ring manonood.

INNITY ADS

May mga nakahandang hand sanitizer at siniguro ang temperatura ng bawat isang nakilahok sa mass wedding na kilalang gawain sa nasabing simbahan.

Namigay rin ng mga surgical mask ngunit hindi lahat ay nagsuot nito gaya na lang ng 23-anyos bride mula sa Benin na nagsabi sa Reuters na gusto niyang maging maganda para sa mister.




Tagumpay ang kasalan na pinangasiwaan ni Hak Ja Han Moon, asawa ng founder ng Unification Church na si Sun Myung at kilala sa mga deboto bilang “True Mother”.

Itinatag ang simbahan noong 1961 at mula noon ay pinangungunahan na nila ang pag-iisang dibdib ng libu-libong magkapares na kung minsan ay kakakilala lamang, o kaya naman ay magkaibang lenggwahe pa ang sinasalita.