Lea Salonga, nakalikom ng P1.8M donasyon para sa COVID-19 frontliners

824

Sa loob lamang ng isang oras, nakalikom si Lea Salonga ng P1.8 milyon donasyon para sa COVID-19 frontliners mula sa kaniyang Facebook live concert nitong Huwebes ng gabi.

Ang naturang performance ay bahagi ng proyektong “Bayanihan, Musikahan”, isang online concert na naglilikom ng pondo na tutulong sa health workers at mga apektado ng enhanced community quarantine.

Nasa ikalawang linggo na ang online musical concert na pinapangunahan ni Maestro Ryan Cayabyab at nilahukan ng iba’t-ibang OPM artists.

Sa ulat ng PEP.ph, umabot na raw sa P24 million ang donasyong nakuha simula ng ilunsad ang “Bayanihan, Musikahan”.

Kinanta ni Salonga ang mga patok na awiting “Nais Ko,” “Bakit Labis Kitang Mahal,” “Sana Maulit Muli”, “Paraiso”, “Bring Him Home”, at “Human Heart (from Once On This Island).”




Hi, everyone! Welcome to my shift on Bayanihan Musikahan! Help fight CoViD-19 with us!See links and hashtags below:pymy.co/pbsp (Mastercard, Visa, JCB, PayMaya)donation.ph/pbsp (BPI Debit/Credit Cards Only/GCash/Grab Pay)#BayanihanMusikahan#CitizenAction#taumbayantotherescue@fb.com/bayanihanmusikahan orhttps://www.facebook.com/bayanihanmusikahan/#StandTogether #ThanksHealthHeroeshttps://www.bayanihanmusikahan.org/Twitter: @bayanihanmusikaIG: BayanihanMusikahan

Posted by Lea Salonga on Thursday, April 2, 2020

Labis naman ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanilang adhikain.

“There’s no such thing as too small of a contribution or a donation, because when you pool all of these resources together, it becomes one whole big thing and so many people will be able to get the help that they need, the protection that they need,” saad ng “The Voice” coach.

Sinabi rin ng international singer na maaring magkaroon ng part 2 ang online musical concert niya.