Lalaki, namigay ng libreng face mask sa gitna ng ashfall sa Cavite

299
(Facebook ni Joey Aserios Aquino)

Umani ng papuri ang isang lalaki mula General Mariano Alvarez, Cavite nang mamigay ito ng libreng facemask sa gitna ng ashfall dahil sa pag-alboroto ng bulkang Taal.

Sa ibinahagi ng Facebook uploader na si Joey Aserios Aquino nitong ika-13 ng Enero, makikita ang ilang kahon ng facemask na ipinamimigay ng naturang lalaki sa mga taong nagdaraan sa lugar.

Mayroon pang nakalagay na ‘Facemask for free’, kung saan dalawang piraso kada tao ang kanyang ipinamamahagi.

INNITY ADS

Ayon sa good samaritan, binibigay niya ito ng libre upang maiwasan ng mga tao na malanghap ang ashfall dahil nakakasama raw ito sa kalusugan.

Maaalalang mabilis na nagkaubusan sa facemask sa mga parmasya at mga tindahan nang magsimulang maglabas ng abo ang Bulkang Taal noong Linggo, Enero 12, bandang alas 11:00 ng umaga.




Umabot naman sa mahigit 5K likes at mahigit 7K shares ang naturang post online na nakatanggap pa ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.