Lalaki, nagsusumikap makapagtapos kahit putol ang mga braso

660

CAGAYAN VALLEY – Isinilang man na walang braso, patuloy pa rin na nagpupursige sa pag-aaral ang isang lalaking estudyante mula sa Ballesteros Central School para makapagtapos.

Kumurot sa puso ng mga netizen ang kuwento na ibinahagi ni Yan RB Avilo tungkol sa kaklaseng si Ferdinand Dabbay.

Sa mga kuhang larawan, makikitang paa ang nagsisilbing kamay ng mag-aaral upang maisulat sa kuwaderno ang leksyon.

INNITY ADS

Nasa ilalim ngayon ng programang Alternative Learning System (ALS) ang ulirang PWD.

Ayon sa uploader, si Dabbay ang nagiging inspirasyon at modelo sa kanilang eskuwelahan dahil sa determinasyon nitong makamtam ang mga minimithing pangarap.




“Di daw hadlang ang kapansanan nya kaya sya nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral. Alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos… kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay,” saad ni Yan.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1,000 reactions sa social media ang naturang Facebook post.

(IMAGE COURTESY OF YAN RB AVILO)