KILALANIN: 90-anyos na lola sa Japan na araw-araw naglalaro online, tinaguriang ‘Oldest Gaming YouTuber’

371
(Screenshot from Guinness World Records YouTube Video)

Opisyal nang pinarangalan ng Guinness World Records (GWR) ang isang 90-anyos na lola mula Japan bilang pinakamatandang video game YouTuber dahil sa kabila ng edad ay nakakapaglaro pa rin ito online araw araw.

Kamakailan lang ay binigyan ng titulong “Oldest Gaming YouTuber” si Hamako Mori, kilala rin sa tawag na “Game Grandma”.

Sa edad kasing nobenta, mayroong YouTube channel si Mori na may 250,000 subscribers na sinimulan niya noong 2015.

INNITY ADS

Sa channel, mapapanood ang kanyang video clips ng paglalaro maging ang pag-uunbox ng mga bago niyang kagamitan sa gaming.

Nang makapanayam ng GWR, ibinahagi nito na 39 taon na niyang sinasaliksik ang mundo ng video games.




“After living for this long, I feel more than ever that playing games for this long was the right choice. I am truly enjoying my life — it’s rosy,” aniya.

Kwento rin ni Mori, isa sa kanyang paborito ang Grand Theft Auto V. (GTA) na nalaman niya lang daw mula sa kanyang mga apo.

“It looked so much fun, and I thought it’s not fair if only children played it,” dagdag niya.

Umaabot pa raw sa pito hanggang walong oras na paglalaro na aniya’y mas matagal noong siya ay bata pa.

Mayroon din siyang koleksyon ng mga sinaunang laro na kwento niya’y naging bahagi na ng kanyang buhay sa mundo ng gaming.

Malaki naman ang pasasalamat niya sa kanyang supporters online.

“I receive a lot of comments saying don’t work too hard. Everyone is so kind,” saad niya.

Dagdag niya, “Their comments leave a strong impression on me, and makes me want to make more videos that people enjoy. I still look forward to everyone’s comments.”

Isa raw kasi sa pangarap niya na mapasaya ang maraming tao gaya ng mga videos na ini-uupload niya online.

Panoorin ang video mula sa Guinness World Records: