‘Kaning tutong’ na artwork, nagkakahalaga ng P90,000

    10837
    "Dukot Survival" by Manny Montelibano. PHOTO: Facebook/1335Mabini

    Tampok sa Art Fair Philippines 2020 ang isang obrang karaniwang nakikitang tira sa ilalim ng kaldero — ang kaning tutong.

    Sa tutong mismo ginawa ng Visayan artist na si Manny Montelibano ang “Dukot Survival” na kabilang sa exhibition sa 1335 Mabini art gallery.

    Tumataginting na P90,000 ang presyo ng prineserbang kaning tutong na nilagyan ng maliliit na plastic human figures sa loob.

    INNITY ADS

    Ayon kay Montelibano, ang naturang obra ay repleksyon ng pagbabago ng lipunan.

    Dukot is presented as an artifact of the upcoming past, the forthcoming old society. As humanity strives toward a more balanced world, civilazations leave behind evidences of how people live,” saad sa Facebook post ng 1335 Mabini.




    “This is a reflection of how people evolve by adapting to the demands of the society. It also reflects the disappearance of a society, the fading values, and the vanishing traditions, which can also result to modern evolutionary synthesis.”

    Unang naitanghal ang “Dukot Survival” sa Cycle 003: Balance exhibit sa Bacolod noong Nobyembre 2018 hanggang Enero 2019.