Kahit natigil ang trabaho: 66,000 empleyado ng SMC, buo pa rin ang makukuhang sahod

    5307

    Sa kabila ng tigil-operasyon dulot ng enhanced community quarantine, buo pa rin ang matatanggap na suweldo ng halos 66,000 empleyado ng San Miguel Corporation (SMC)

    Ayon kay SMC President at COO Ramon Ang, ini-release na ng kompanya ang buong compensation benefits na pumalo sa P3 bilyon para sa mga consultant, regular, at kontraktwal na manggagawa.

    “These are trying times and while we, as a company, are not immune to the challenges of this crisis, the safety and security of our workforce will always come first. We do not want them worrying about their jobs,” pahayag ng business tycoon.

    INNITY ADS

    Labis din ang pasasalamat ng negosyante sa mga trabahanteng nagseserbisyo, kagaya ng mga nagde-deliver ng essential goods at service kahit may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

    “Please continue to adopt our malasakit mindset and focus on what we, as individuals, can do to make a difference, because many are counting on us.”




    “We are also aware that we have a huge role to play across industries and we are lucky to be more equipped than the rest to navigate this crisis. That said, we remain steadfast in our commitment to assist the government and continue providing assistance where it’s most needed.”

    Bagaman may ibinigay na grace period ang gobyerno, tiniyak naman ni Ang na on-time silang magbabayad ng buwis.

    Aniya, naglaan na ang kompanya ng P11.67 billion na bayarin sa pamahalaan.

    Nagbayad raw ang SMC ng P8.77 billion habang ang natitirang balanse ay ise-settle bago matapos ang ipinatupad na ECQ.

    Nabatid din na umabot sa P1-bilyon ang halaga ng pera, personal protective equipment, alcohol, pagkain, libreng toll, at gasolinang na-donate nila sa mga komunidad at frontliners.

    Gumawa rin sila ng emergency quarantine facilities sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines para sa iba pang pasyenteng nangangailangan ng agarang medikal.