Isang siyudad sa Japan, ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone habang naglalakad

185

Ipinagbabawal na sa Yamato, Japan ang paggamit ng mobile electronic device habang naglalakad sa kalsada.

Ito raw ang kauna-unahang siyudad sa Japan na nagpatupad ng nasabing uri ng batas, ayon sa ulat ng Agence France Presse.

Layunin ng lokal na gobyerno na maging bukas ang kamalayan ng lipunan hinggil sa peligro na posibleng maidulot ng paggamit ng mobile phone habang nasa lansangan.

INNITY ADS

Sa isinagawang pag-aaral ng kinauukulan noong Enero, lumitaw na 60% ng mga tumatawid sa pedestrian lane roon ay gumagamit o nakatingin sa kani-kanilang cellphone.

Wala naman ipapataw na parusa ang mga awtoridad sa sinumang lalabag sa kautusan.




Sang-ayon naman ang mga residente ng Yamato sa ipinatupad na polisiya.

“I think many accidents happen because of people using mobile phones while walking, especially when cars are around. I don’t think it’s good, so I support the law,” saad ng mag-aaral na si Taiga Yamazaki.

“I commute to school by bicycle. When I see people using their phones while walking I think it’s dangerous,” wika ng isa pang estudyante na si Arika Ina.