Isang mala-paraisong isla sa Camarines Norte, nagsisilbi ngayon quarantine facility

208

Agaw-pansin ngayon ang kakaibang quarantine facility ng isang bayan sa Camarines Norte. Sa halip kasi na ospital, eskuwelahan, at covered court, dinadala sa mala-paraisong isla ang mga hinihinalang may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na dumarating sa lugar.

Tila naging bakasyon ang pananatili ng locally stranded individuals (LSI) sa Calalanay Island sa Jose Panganiban dahil bukod sa mapayapang tanawin at mala-kristal na tubig, libre rin ang pagkain at internet doon.

Kada araw ay nagsasagawa ng iba’t-ibang aktibad sa isla kagaya ng pag-eehersisyo, clean-up drive at stress debriefing para sa mga LSI.

Kapag nalulumbay pagsapit ng gabi, puwede raw manghuli ng isda o pusit ang sinuman. Patuloy naman pinapaalala ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang physical distancing at sumunod sa ipinatupad na health protocols.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Ariel Non na pabirong humihirit ang ilang tao roon na ma-extend pa sana ang kanilang 14-day quarantine period.




Kasalukuyang nasa 35 LSI ang nananatili sa Calalanay Island.

(PHOTO FROM INSTAGRAM/VISIT PILIPINAS)