Ina, nagpaalala sa mga anak na ‘magdahan-dahan’ sa pagkain ngayong community quarantine

3488

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizen ang paalala ng isang nanay mula Kalibo, Aklan para sa mga anak lalo na at umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa ibinahaging larawan ni Dabby Melgarejo, pabirong sinabi ng madre de pamilya na magdahan-dahan ang mga bata sa pagkain at baka maubusan daw sila ng supply kapag ipinatupad ang lockdown sa Visayas.

Kuwento ng uploader, idinikit ng misis niyang si Ria ang nakatutuwang paalala sa cabinet kung nasaan ang kanilang pagkain.

Nakasaad sa sulat na hindi raw katulad ng Big Brother House ang tinitirahan nila na may unli food.

Wala na rin silang pambili ng pagkain dahil ilang beses na siyang nagpabalik-balik sa grocery store.




Biro pa ng maybahay, “community quarantine” ang tawag sa pinagdaraanan ng Pinoy at hindi “community picnic” na may kasamang emoji na heart sa dulo.

Ganito na dito sa amin 🤣🤣🤣RobRobzion Melgarejo

Posted by Dabz Esmeralda Melgarejo on Wednesday, March 18, 2020

Sa halip na mainis ang mga anak, natawa raw ang mga ito sa paalala ni Mommy Ria.

Ayon kay Dabby, paborito ng mga paslit ang biskwit, chichirya, at pancit canton dahilan para maubos ito agad.

Makalipas ang 24 oras, umani ng mahigit 50,000 reactions sa social media ang kuhang litrato ni Melgarejo.

(COURTESY OF DABBY MELGAREJO)