Giant teddy bears, tumutulong para mapanatili ang social distancing sa isang restawran

24

Gumagamit ng mga malalaking teddy bear ang isang restawran sa Mexico City para tulungan ang kanilang mga kliyente na mapanatili ang physical distancing.

Sa ulat ng Global News, sinabi ng may-ari ng establisyimento na nakatutulong ang naturang paraan upang sumunod ang mga kostumer sa “new normal” na pamumuhay habang nag-e-enjoy sa mga pagkaing inorder.

“I think everyone likes it. As a kid having a bear, I still have my teddy bear to this day. From when I was born to now more than 70 years of age. That is why I came to this place, to have a drink and to help out the business, and for us to be aware of social distancing,” pahayag ng isang kliyente.

INNITY ADS

Maliban sa umiiral ang social distancing, naghahatid din ng good vibes ang mga higanteng teddy bear sa naturang lugar.

“I think it’s a simple idea that looks really good. It helps the place out as it doesn’t look so sad with reduced customer numbers. And if you come with a face mask and keep your distance, businesses are doing what they can to make it safe to come. You can’t ask a business to close for another three months,” ayon sa isang residente roon.




Sa huling datos ng Mexico Health Ministry, umakyat na sa 485,836 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19, kung saan 53,006 ang nasawi habang nasa higit 300,000 naman ang gumaling.