Filipino scholar, nagtapos bilang summa cum laude sa Europe

792
(Photo: Kent Tangcalagan Facebook)

Hindi lamang bagong kaalaman ang naiuwi sa bansa ni Kent Tangcalagan dahil nagtapos ito bilang summa cum laude para sa isang inter-university program sa Europe.

Isa lamang si Tangcalagan sa nabigyan ng oportunidad na maging iskolar ng programang Erasmus Mundos, isang scholarship at mobility program ng Europe na nalaman lang niya sa isang kasamahan sa dinaluhan niyang conference abroad.

(Photo: Kent Tangcalagan facebook)

Kwento niya, may nakilala siyang isang Indonesian delegate sa naturang conference, at dito niya nalaman na iskolar ito ng naturang programa, at tinulungan siya nitong makapag-apply.

INNITY ADS

“So when we went back to the Philippines, I asked my mentors, my advisors that I met from work — like advice, some of their recommendations regarding applying for studies abroad. I also asked people to write my recommendation letter,” aniya.

Natanggap siya ng Erasmus Joint Masters Degree in Comparative Local Development noong May 2017 kung saan mag-aaral siya sa iba’t ibang unibersidad sa Europian Union (EU) kada semestre.




Una siyang nag-aral sa Cornivus University of Budapest sa Hungary, University of Regensberg sa Germany para sa kanyang ikalawang semestre, at sa University of Trento sa Italy para sa kanyang ikatlong semestre.

Kilala si Tangcalagan na iskolar mula nang matapos nito ang kanyang undergraduate degree in nursing sa University of San Jose-Recoletos noong 2011 bilang cum laude.

 

Nakapagtapos rin siya ng first master’s degree sa health social science sa De la Salle University noong 2013 bilang isa ding iskolar.

Samantala, ibinahagi niya ang takot at paninibago noong mga unang buwan niya sa ibang bansa.

Sabi niya, “When I got there, it was very different because all of my classmates came from different countries as well. We came from different countries so you have different nationalities, different cultures, different opinions.”

Sa kabila nito ay itinuturing niyang maginhawa at madali ang pag-aaral sa Europe.

“You are away from the traffic that we have here in Manila. The public transport is very convenient. It’s very cheap for students because as a student you get to have a transport card so you can travel easily in different cities,” saad niya.

Inilahad rin niya ang kanyang mga propesor na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo at kung ano ang mga bagay na naibahagi ng mga ito.

Sa huling semestre ng pag-aaral ni Tangcalagan, isinagawa niya ang kanyang internship sa Max Planck Institute para sa Study of Societies sa Germany bago siya sumalang sa kanyang thesis at defense.

Kaugnay nito, ibinahagi niya na nais lamang niyang ibigay ang kanyang ‘the best’ bilang iskolar.

“My goal was to make the best out of the scholarship. AS a scholar, I feel I was very privileged and honored to be studying in Europe. I am not spending any money, it’s the European taxpayers’ money that I was using for my education so I felt like I have the responsibility to make the best out of the education and scholarship that I am getting,” saad niya.

Gusto rin daw niya na maging proud ang kanyang pamilya at mga kaibigan bilang kapalit nang kanyang pag-aaral abroad at pansamantalang pag-iwan sa mga ito.

Mensahe naman ni Tangcalagan sa mga nais makamit ang kaparehong karanasan, “Forget about all your doubts, don’t be afraid to try.”

Samantala, sakop ng nasabing scholarship ang tuition fee, ang annual travel allowance, establishment allowance para sa adjustment period ng mga iskolar kabilang na ang monthly contribution cost.