Fan ng ‘Hello Love Goodbye’, natagpuan ang lokasyon ng rooftop scene nila Kathryn, Alden

877
Facebook/ Fritz Pineda

Natagpuan ng fan ng “Hello, Love, Goodbye”, pelikulang pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang lokasyon kung saan isinagawa ang romantikong eksena nina Joy at Ethan sa isang rooftop building sa Hong Kong.

Ibinahagi ni Fritz Pineda sa Facebook ang kaniyang larawan sa nasabing lugar na kaagad namang nag-viral sa netizens.

“When ‘Hello, Love, Goodbye’ hits you hard,” ani Fritz sa kaniyang caption.

INNITY ADS

Makikita sa larawan ang saktong pinagsulatan ni Joy (Kathryn) na “Joy is here” sa pelikula.

Dito nangyari ang unang date at pangako ni Joy na nandito lang siya lagi para kay Ethan.




Ayon kay John Leo Garcia ng Star Cinema, “picturesque” ang napiling rooftop building na matatagpuan sa Mong Kok, isa sa pinakaabalang distrito sa Hong Kong.

Pinahayag naman ng isang netizen na hindi nagpapasok sa gusaling ito dahil sa daming fans na gustong puntahan.

Sa kasalukuyan, ang post ni Fritz ay mayroong 7,500 reactions, 2,400 comments at 29,000 shares.