‘Eat Bulaga’ nag-donate ng materyales sa UST para sa paggawa ng face shields

258

Habang dumarami ang mga pasyenteng nagpopositibo sa coronvirus disease 2019 (COVID-19), nadadagdagan ang pangangailangan ng personal protective equipment (PPE) ng mga health workers.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, umaapaw na rin ang panawagan sa social media tungkol sa kakulangan ng PPE.

Kaya naman ang longest-running noontime show na “Eat Bulaga”, nag-donate ng 3D printers sa University of Santo Tomas (UST) na gumagawa ngayon ng mga face shield para sa frontliner.

INNITY ADS

Sa isang Facebook post, sinabi ng unibersidad na makakatulong ito sa produksyon ng PPE na pinapangunahan ng Faculty of Engineering.

Labis rin ang kanilang pasasalamat sa pagmamalasakit na ipinakita ng programa.




“The new printers, installed in the University earlier today, will augment UST’s efforts of producing visors for the face shields of frontliners. Maraming salamat, TAPE, Inc. at mga Dabarkads,” mensahe sa UST.

Ang naturang makina ay ginagamit sa paggawa ng visor na kakabitan ng acetate upang makabuo ng face shields.

Sa ngayon ay mayroon nang siyam na 3D printers ang pamantasan, na unang ibinigay ng Department of Science and Technology (DOST).

(PHOTOS COURTESY OF UNIVERSITY OF SANTO TOMAS)