COVID-19 test kits, libreng magagamit ng mga residente sa Iloilo City

207

ILOILO CITY – Libreng ipapagamit sa mga residente ng lokal na gobyerno ang mga test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kanilang binili mula sa bansang South Korea.

Sa tulong ng pribadong sektor, dumating sa siyudad ang halos 2,700 test kits noong Lunes.

Ayon kay Mayor Jerry Treñas, prayoridad nilang magsagawa ng swab test sa mga close contact ng mga positibo sa COVID-19, mga matatanda, at mga frontliner na na-expose sa naturang virus.

INNITY ADS

Dagdag ng alkalde, bibigyan ng Department of Local Government (DILG) ang pamahalaang-siyudad ng P94 milyon na budget na manggagaling sa P30-bilyong pondo ng kagawaran.

Kapag ipinagkaloob ito bilang trust fund, ilalaan nila ang pera sa pagbili ng dagdag COVID-19 test kits at mga gamit.




Nitong Miyerkoles, idineklara ng opisyal ang extension ng enhanced community quarantine sa buong lungsod hanggang Abril 30.

Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 3,870 ang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng virus habang 182 naman ang nasawi.

Nasa 96 naman ang kumpirmadong naka-recover sa COVID-19.