‘Bakliners’ ng Gumaca Quezon, good vibes at sariwang gulay ang hatid sa komunidad

281
Image from We Love Gumaca Facebook page

GUMACA, QUEZON – Bukod sa mga frontliner, ramdam din sa nasabing bayan ang presensya ng “bakliners” o mga miyembro ng LGBTQ community na patuloy na naglilingkod sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Facebook post ng We Love Gumaca, nakasuot ng magarbong gown at face mask ang “bakliners” nang mamigay ng sariwang talong sa bawat pamilya ng Barangay Pipisik at Barangay San Diego noong Linggo.

Kahit tirik ang araw, ‘gorabels’ raw ang mga beki para maghatid good vibes sa kanilang komunidad.

INNITY ADS

Habang namamahagi ng gulay, pinapaalala rin ng “bakliners” na magsuot ang mga residente ng face mask at pairalin ang physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng kinatatakutang virus.

“Taos-pusong nagpapasalamat ang Kuya ng Bayan Igg. Mayor Webster D. Letargo sa suporta, dedikasyon at pag-volunteer ng ating mga LGBTQ+ upang makapaghatid ng tulong at maibsan ang pangamba ng ating mga kababayan,” sabi ng official page ng Gumaca Public Information Office.




Humanga at pinuri naman ng netizens ang pagmamalasakit ng mga beki, dahilan para umani ang post ng halos 1,000 reactions.

(PHOTO COURTESY OF WE LOVE GUMACA FACEBOOK PAGE)