Aso na marunong mag-commute ng mag-isa, kinagigiliwan ng publiko

427

Isang aso ang sikat na sikat sa libu-libong pasahero sa Seattle, U.S.A. dahil marunong itong mag-commute nang mag-isa.

Kinilala ang doggy the explorer na si Eclipse, isang pitong-taong-gulang na black labrador.

Kuwento ng amo ng aso na si Jeff Young, tuwing maiinip ang alaga niya sa kakahintay na matapos siya sa paninigarilyo, nauuna na itong sumakay sa bus.

INNITY ADS

Agad naman siyang pinapasakay ng drayber at matik na nakakapagbayad dahil sa payment card na nakakabit sa harness nito.

Maayos naman nakakarating si Eclipse sa destinasyon niya dahil kabisado na nito ang ruta patungo sa dog park at pabalik sa kanilang bahay.




Aprubado naman ng mga pulis ang ginagawa ng hayop basta hindi siya manggugulo at patuloy pa ding nagbibigay ng ngiti sa mga commuters at bus drivers.

(IMAGES FROM ROBBIE LAUREN)