ALAMIN: Sintomas ng ‘cabin fever’ at paano ito maiibsan

1264

Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon kontra COVID-19 outbreak, hindi maiwasan ng ilang indibidwal na maging bugnutin o emosyonal habang nananatili sa loob ng kani-kanilang tirahan.

Ang hindi maipaliwanag na buryong o lungkot, tinatawag na “cabin fever” ng mga dalubhasa.

Batay sa kanilang pagsasaliksik, ito raw ay isang uri ng temporary disorder bunsod ng pagkakakulong ng matagal na panahon sa isang lugar.

“It involves a range of negative emotions and distress related to restricted movement: irritability, boredom, some hopelessness and even, behaviorally, restlessness and difficulty concentrating. Those would be the constellation of symptoms one might expect if they were feeling that way,” paliwanag ni Dr. Vaile Wright mula sa American Psychological Association.

Kadalasan daw ng mga nakararanas ng “cabin fever” ay mga taong mahilig lumabas ng bahay o gumala.




Ibinahagi naman ni Dr. Ali Gui, isang Pinoy psychologist, ang ilang paraan upang mabawasan ang sintomas ng naturang disorder:

  • Pag-inom ng vitamins para maging healthy ang katawan at isip.
  • Pag-eehersisyo at iwasan maging tamad
  • Pagpapa-araw dahil may taglay na “happy hormones” ang sikat ng araw
  • Libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, pagluluto, paglilinis ng bahay, o panonood ng paboritong programa
  • Makipag-usap ng personal para gumana raw ang talking motor ng utak
  • Pagpapatuloy ng nakaugaling routine kahit naka-home quarantine

Samantala, kung mauwi sa takot, o depression ang nararamdamang “cabin fever”, puwedeng makipag-ugnayan sa hotline ng Hopeline Philippines sa numerong 0918-873-4673 (Smart), 0917-558-4673 (Globe), at (02) 8804-4673 (PLDT).

Kasama sa mga serbisyong alok nila sa mga caller ay ang pagbibigay ng tamang breathing exercise kung atakihin ito ng anxiety.

(ILLUSTRATION FROM DAVE GRUNLAND)