UP, bumuo ng COVID-19 dictionary para sa mga bata

348
Screenshot mula sa COVID-19 Dictionary for Children (FSL) ng UP College of Education.

Upang mas maunawaan ng mga bata ang nangyayaring COVID-19 pandemic, naglabas ang University of the Philippines (UP) ng pinasimpleng talahulugan.

Naglalaman ang “Dictionary for Children: What is COVID-19?” ng 10 salita na kadalasang mababasa o maririnig sa TV at social media sa panahong ito.

“We simplified definitions provided by scientists so children will more easily understand COVID-19 and how it could affect them,” saad ni UP College of Education Dean Jerome Buenviaje sa isang post.

INNITY ADS

Bukod sa tamang bigkas at kahulugan, mayroon din itong mga larawan upang mas maengganyo ang mga bata sa pagbabasa nito.

Hinikayat ni Buenviaje ang mga magulang na ipaliwanag sa mga anak ang nilalaman ng diksyunaryo upang matuto silang protektahan ang sarili mula sa sakit.




Maaaring i-download ang kopya ng diksyunaryo na may salin sa Tagalog, Ingles, at Filipino Sign Language (FSL) sa bit.ly/dictionaryforchildren.