Public school students sa Makati City, tatanggap ng libreng internet load, learner’s package

170

Tatanggap ng libreng internet load at learner’s package ang mahigit 85,000 estudyante ng pre-school hanggang senior high school na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan sa Makati City para sa pagbubukas ng academic year 2020-2021.

Pahayag ni Mayor Abby Binay, katuwang ng lokal na gobyerno ang City Schools Division Office ng Department of Education (DepEd) Makati sa pagbuo ng programa na naglalayong resolbahin ang problema kaugnay ng “new normal” na pagtuturo.

Kada learner’s package ay may lamang printed modules, dalawang washable face mask, at isang On-The-Go (OTG) flash drive.

INNITY ADS

Sa tulong ng OTG flash drive, mababasa ng mga mag-aaral ang mga learning module kahit walang mobile data o internet connection.

Naka-save sa bawat USB ang iba’t-ibang videos, illustrations, at interactive exercises na ginawa ng DepEd Makati. Maari itong ikabit sa cellphone, tablet, laptop, computer, at maginh sa telebisyon.




Bibigyan din ang mga estudyante ng libreng school supplies, school uniform, leather shoes, at black shoes.

Maging ang mga titser sa mga pampublikong eskuwelahan sa lungsod ay makakakuha ng libreng internet load para sa kanilang online classes.

Panawagan ng alkalde, nawa’y suportahan ng mga magulang ang bagong proyekto. Aniya, importante ang kanilang papel sa epektibong pagpapatupad ng makabagong paraan ng pagtuturo ngayong panahon ng pandemya.