Pinay chemist, wagi ng Metrology award sa Australia

88
PHOTO: National Metrology Laboratory of the Philippines' Facebook page

Nasungkit ng Pinay chemist at scientist ng Department of Science and Technology (DOST) na si Dr. Benilda Ebarvia ang 2019 Developing Economies National Metrology Institute (NMI) Award sa Sydney Australia.

Si Ebarvia, head ng Metrology in Chemistry (MiC) Laboratory sa National Metrology Laboratory (NML) ng DOST, ang kauna-unahang scientist sa bansa na nanalo ng naturang award.

Iginawad ang parangal sa General Assembly ng Asia Pacific Metrology Program (APMP) na ginanap noong Disyembre 4, 2019.

INNITY ADS

Kinilala ang beteranong scientist sa kanyang naging ambag sa pagtataguyod ng MiC, at pangangalap ng pondo para sa operasyon ng departamento.

Pinuri rin si Ebarvia sa naging parte niya sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa metrology o ang “scientific study of measurements” sa bansa.




Naungusan ng Pinay ang mga kalahok mula sa 17 bansa kabilang ang China, Cambodia, Indonesia, Thailand at Vietnam.